Kalibo, Aklan – Nagpaalala ngayon ang Kalibo PNP sa mga mamamayan sa bayan ng Kalibo gayong nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine ang probinsya ng Aklan.
Ayon kay PMaj. Belshazzar Villanoche, hepe ng Kalibo PNP nab aka nag-aakala ang iba na malaya na sila sa community quarantine dahil unang inanunsyo na mapasailalim tayo sa Modified General Community Quarantine kung saan ang iba ay nagbunyi na pero kahapon ay binawi yon ibinalik tayo sa General Community Quarantine.
Dahil dito, kung ano ang ipinapatupad ngayon sa GCQ ay yon pa rin ang susundin na guidelines hanggang sa Mayo 30.
Naka activate pa rin anya ang mga border checkpoint para na ma kontrol parin ang mga taong pumapasok sa bayan ng Kalibo maliban sa mga authorized person.
Sa mga nagtatrabo dito sa bayan ng Kalibo, magpakita lamang ng Company ID at Certification of Employment sa checkpoint na magpapatunay na ikaw ay nagtatrabaho dito habang ang mga may ibang transaksyon naman ay kailangan na magpakita ng Certification galing sa kanilang Municipal Mayor.
Kalibo PNP may paalala ngayong nasa ilalim pa rin ng GCQ ang Aklan
Facebook Comments