TAPATAN | Gentle Hands, Lunas Kalusugan target ang ikalawang panalo sa Radyoman Manila Mini-Basketball Tournament

Sasabak mamayang gabi ang Gentle Hands at Lunas Kalusugan na target ang ikalawa nilang sunod na panalo sa 2018 Radyoman Manila Basketball Bonding tournament.

Makakaharap ng koponan ni Doc Bong Ramirez ang DWWW/I-FM sa first game mamayang alas-otso ng gabi.

Tinalo ng Gentle Hands ang tournament host DZXL Manila sa opening day ng torneo noong nakaraang Sabado para magandang simula sa torneo.


Ganito rin ang pakay ng Lunas Kalusugan squad ni Ka Rudy Liwanag sa kanilang laban kontra DZXL sa second game. Wagi ang tropa ng Lunas Kalusugan sa DWWW-IFM sa una nilang laro.

Pero kung ang mga Radyoman ang tatanungin gagawin nila ang lahat para maitala ang kanilang mga unang panalo sa torneo.

Nangako ang DWWW-IFM at DZXL na bibigyan nila ng magandang laban ang Gentle Hands at Lunas Kalusugan mamayang gabi.

Gaganapin ang double header sa Toby’s Basketball Court sa Caniogan, Pasig City.

Facebook Comments