Nag-alok ng P5 milyong pabuya ang Mababang Kapulungan para sa makapagbibigay ng impormasyon ukol sa responsable sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa na kilala rin bilang si Percy Lapid.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang reward o pabuya ay mula sa personal na ambag ng mga miyembro ng Kamara na nagulat at nabahala sa naturang krimen.
Giit ni Romualdez, ang karasahan ay walang puwang sa isang sibilisadong lipunan, kaya dapat matiyak na mapapanagot sa batas ang utak at nagsagawa ng pagpatay kay Lapid.
Ayon kay Romualdez, nakakapanghilakbot ang patuloy na karahasan laban sa mga mamamahayag na katuwang ng gobyerno sa nation-building.
Diin pa ni Romualdez, ang papel ng mga media ay napakahalaga sa pagtiyak ng transparency sa pamahapaan kaya ang pagbibigay-proteksyon sa kanila ay garantiya ng kalayaan sa pagpapahayag at paglalahad ng saloobin.