
Tumangging magsalita tungkol sa kaso at mga ebidensya ang spokesperson ni former House Speaker Martin Romualdez na si Atty. Elaine Atienza matapos ang pagsasakdal kay Peanut Gallery Media Network o PGMN Founder Franco Mabanta kaugnay ng kasong robbery extorstion ngayong Huwebes, May 21 sa Pasig City Regional Trial Court Branch 152.
Ayon kay Atienza, tiwala sila sa due process ng korte at doon sila magsasalita.
Samantala, tumagal ng halos 2 oras sa loob ng gusali ang dalawang kampo pero hindi naaninag sa labas ng gusali si Mabanta at ang kaniyang legal council na si Atty. Bernice Rodriguez matapos ang nasabing pagsasakdal.
Matatandaang inaprubahan na rin ng Pasig Court ang paglalabas ng cyber warrant para magkaroon ng access sa mga gadget ni Mabanta at iba pang akusado na nakumpiska noong inaresto sila.










