Dumistansya ang kampo ni Pastor Apollo Quiboloy at ang Kingdom of Jesus Christ sa isang paralegal sa Los Angeles na umamin sa kaniyang papel sa trafficking scheme na ‘di umano ay inoorganisa ng mga miyembro ng kaniyang religious group.
Ito ay matapos itinanggi ng abogado ni Quiboloy na si Ferdinand Topacio na ang naturang paralegal na si Maria de Leon ay hindi miyembro ng KOJC at walang koneksyon sa naturang pastor.
Ayon kay Topacio, si De Leon ay isang independent contractor sa mga kompanyang nagre-render ng paralegal services sa publiko.
Naniniwala naman ang abogado na hindi ito makakaapekto kay Quiboloy at sa ibang indibidwal na sangkot sa trafficking cases.
Matatandaang umamin si De Leon base sa pahayag ng US Department of Justice na sangkot ito sa paghahanda ng mga dokumento para sa miyembro ng KOJC na nais maging permanent resident at citizenship sa Amerika.
Mababatid na nahaharap sina De Leon, Quiboloy at pito pang inidibiwal sa 42-count charges ng pagpapatakbo ng labor trafficking scheme dahilan para mapilitan ang mga miyembro sa simbahan nito na magsolicit ng donasyon para sa isang pekeng children’s charity na nagpopondo umano sa marangyang pamumuhay ng mga lider ng simbahan.