Kalibo, Aklan – Pinasinayaan na ang Kangaroo Mother Care Unit sa Aklan Provincial Hospital nitong Biyernes, Hulyo 8, 2022. Ginawa ang blessings sa pangunguna ng Aklan Provincial Government sa pamamagitan ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital kasama ang mga health partners, World Health Organization (WHO) at Korea International Cooperation Agency Philippines. Ang Kangaroo Mother Care Unit ay isang special ward kung saan ang mga nanay ay pwedeng magbigay ng KMC sa kanilang premature o low birth weight na mga baby. Ayon sa WHO, kasama sa KMC ang skin-to-skin contact at exclusive breastfeeding kung saan ito ay makatulong ng malaki sa pagpataas ng tsansa ng survival ng baby na premature o low birth weight. Ipinaabot rin ni Governor Joen Miraflores ang malaking pasasalamat sa mga partner agencies, particular ang WHO at KOICA, sa patuloy na pagbigay ng suporta sa mga health programs ng Provincial Government ng Aklan.//RMD
Facebook Comments