Wednesday, May 13, 2026

KAPULISAN SA DAGUPAN CITY, NAGBABALA SA ONLINE SCAM AT CYBERCRIME

Naglabas ng babala ang Dagupan City Police Office (DCPO) hinggil sa patuloy na pagtaas ng banta ng cybercrime, kung saan pinaalalahanan ang publiko na maging mas maingat sa paggamit ng internet at social media.

Kabilang sa pangunahing paalala ng DCPO ang hindi basta pagbibigay ng personal na impormasyon online, paggamit ng malalakas at regular na pinapalitang password, at pag-iwas sa mga scam message at pekeng link na kadalasang ginagamit ng mga kriminal sa pangha-hack at panlilinlang.

Hinimok din ang publiko na huwag magpadala ng pera sa hindi kilalang indibidwal at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad o cybercrime sa PNP Anti-Cybercrime Group o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Ayon sa DCPO, mahalagang protektahan ang sensitibong impormasyon tulad ng pangalan, address, paaralan, at contact number upang maiwasan ang pagiging biktima ng online scams at iba pang cyber-related na krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments