
Naaresto sa Lingayen ang isang 40-anyos na mangingisda na kabilang sa Top 5 Most Wanted Persons sa provincial level ng Quezon Province kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Isinagawa ang operasyon sa Barangay Poblacion sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng Lingayen Municipal Police Station at Quezon Municipal Police Station.
Ayon sa pulisya, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular sa kasong illegal possession of dangerous drugs at possession of drug paraphernalia.
Nagtakda ang korte ng piyansang P200,000 para sa kasong possession of dangerous drugs at P40,000 naman para sa possession of drug paraphernalia.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa Lingayen Municipal Police Station para sa dokumentasyon bago itinurn-over sa Quezon Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









