
Labingwalong barangay sa Bautista, Pangasinan ang nakinabang sa isinagawang Drug Abuse Prevention and Education (DAPE) lecture at on-site validation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Mayo 12, 2026.
Ayon sa ulat, pinalalawig umano nito ang kakayahan ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa pagpapatupad ng mga programang kontra ilegal na droga sa kani-kanilang barangay.
Tinalakay sa seminar ang probisyon ng Republic Act No. 9165, kabilang ang tamang pagkilala at klasipikasyon ng ilegal na droga, gayundin ang ALAB presentation bilang bahagi ng information campaign ng ahensya.
Nagsagawa rin ng pagsusuri sa mga dokumentong isinumite ng mga barangay at panayam sa mga opisyal ng BADAC upang matukoy ang antas ng pagsunod at mabigyan ng rekomendasyon para sa mas epektibong implementasyon ng anti-drug initiatives.
Samantala, dumalo sa aktibidad ang mga opisyal ng Municipal Anti-Drug Abuse Council sa pangunguna ni kasama ang mga chairperson at secretary ng 18 barangay ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






