
Dalawang wanted person ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Malasiqui at Mangaldan noong Mayo 12, 2026.
Sa Malasiqui, arestado ng mga tauhan ng Malasiqui Municipal Police Station ang isang 45-anyos na operation coordinator na residente ng Bayambang, Pangasinan.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o Violence Against Women and Their Children Act kaugnay ng psychological violence at physical abuse na may inirekomendang piyansang P72,000 at P2,000.
Samantala, nasakote rin sa Mangaldan ang isang 35-anyos na construction worker matapos arestuhin ng Mangaldan Municipal Police Station sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong acts of lasciviousness na may inirekomendang piyansang P36,000.
Kapwa nasa kustodiya na ng kani-kanilang himpilan ng pulisya ang dalawang akusado habang hinihintay ang kaukulang proseso ng batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










