KARAGDAGANG PWERSA NG PULIS ITATALAGA SA APAT NA BAYANG TINUKOY NA AREAS OF IMMEDIATE CONCERN NG PNP

19
Magtatalaga ng karagdagang pwersa ng pulis sa apat na bayan ng Pangasinan na tinututukan ng PNP Pangasinan dahil ang mga bayang ito ay tinukoy na kabilang sa areas of immediate concern, ito ay ang mga bayan ng Sual, Sison Urbiztondo, at Santo Tomas.
Ayon kay PIO Officer ng PNP Pangasinan na si PLT. Col. Ferdinand De Asis, kanilang dadagdagan lamang ang security force ng apat na bayan kumpara sa normal na bilang ng security force sa isang lugar.
Dagdag nito, hindi nangangahulugang magulo ang apat na bayan na napabilang sa areas of immediate concern kung hindi dahil ang mga ito ay nagkaroon ng election related incidents noong mga nakaraang halalan.

Samantala, tiniyak naman ng kanilang ahensya na kanilang naipapatupad ng tama ang mga implementasyon na mula sa national government. | ifmnews
Facebook Comments