Kalibo, Aklan – Naitala ng Provincial Health Office PHO-Aklan, ang 10 bayan na may kaso ng Hand Foot and Mouth Disease HFMD. Sa data bayan ng Malinao umano ang may pinakamaraming kaso na umabot na sa 65, sinusundan ng Numancia na merong 45 cases at Kalibo na may 23 HFMD cases na. Ang Hand Foot and Mouth Disease ay lubhang nakakahawa at karaniwan sa mga bata na nasa edad below 10 years old. Naipapasa umano ang virus sa pamamagitan ng person to person contact, pag ubo, pagbahing o sa pamamagitan ng paghawak sa mga bagay na nahawakan naman ng taong infected ng HFMD. Ayon sa PHO-Aklan ang palagiang paghuhugas ng kamay at wastong kalinisan sa katawan ay isang napakainam na paraan para maiwasan ang paglaganap ng HFMD virus.
Facebook Comments