KASO NG DENGUE SA AKLAN, UMABOT NA SA 112

Kalibo, Aklan – Umabot na sa 112 ang naitalang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan mula Enero 1 hanggang Pebrero 18, 2023 o Morbidity Week No. 7. Sa nasabing numero ay ang bayan ng Ibajay ang pinakamaraming naitala na umabot sa 32, sunod ang Nabas na may 16, Kalibo 14, New Washington 11, Banga 6, Balete, Batan at Libacao na may tag 5, Altavas, Makato, Malay at Numancia na may tag 3, Buruanga, Lezo, Madalag at Tangalan na may tag 1 na kaso. Mas mataas ito ng 2140% kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong morbidity week.
Facebook Comments