Kaso ng leptospirosis at dengue sa Quezon City, tumaas

Tumaas ng 28 percent ang mga tinamaan ng leptospirosis sa Quezon City mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon

Sa ngayon, lumobo na sa 186 ang kaso ng leptospiros sa lungsod at 24 na ang nasawi.

Naitala ang pinakamaraming nasawi sa District 2 na nasa 11.

Bases sa case investigation, nasa 17 o 77 percent ng mga residente ang na-expose sa baha.

Samantala, tumaas din ang kaso ng dengue sa lungsod ng 29 percent ngayong taon kumpara sa parehong period noong 2024.

Sa ngayon nasa 6,221 ang bilang ng mga tinamaan ng dengue sa lungsod at karamihan ng kaso ay mula pa rin sa District 2 na mayroong 1,809 cases.

Nasa 13 na ang nasawi sa lungsod dahil sa dengue.

Facebook Comments