Kaso ng mga karaniwang sakit ngayong taglamig, dumarami ayon sa Santiago City Health Office!

*Santiago City- *Dumarami ngayon ang mga naitatalang kaso ng sakit ngayong panahon ng taglamig partikular sa Lungsod ng Santiago.

Dahil dito ay muling nagpa-alala ang tanggapan ng Santiago City Health Office sa mga Santiagueños na panatilihing malinis ang tahanan, bakuran at maging sa sarili.

Karamihan anya sa mga naitatala ngayong buwan ng Disyembre sa kanilang tanggapan ay ang mga sakit na Lagnat, ubo, sipon at trangkaso lalo na sa mga matatanda at mga bata.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginang Pamela Sabio, ang Nurse Supervisor ng City Health Office ay sinabi nito na pinakamarami sa mga naitatalang kaso ng sakit ay ang Accute Respiratory Infection dahil na rin anya sa pabago-bagong panahon.

Nagpaalala naman ito sa mga Santiagueños na panatilihin ang kalinisan at iwasang pumunta sa mga matataong lugar upang makaiwas sa pagkahawa.

Facebook Comments