Tuesday, March 10, 2026

Kasong cyberlibel laban kina Maria Ressa, hiniling ng OSG na ibasura ng Korte Suprema

Inirekomenda ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na ipawalang sala sina Maria Ressa at Reynaldo Santos Jr. na kinasuhan noon ng cyberlibel.

Batay sa inihaing manifestation at mosyon kahapon, sinabi ng OSG na lumagpas na sa prescribed period ang kaso alinsunod na rin sa naunang ruling ng Kataas-taasang Hukuman.

Sinabi kasi ng SC noon na isang taon lamang ang prescriptive period para sa cyberlibel cases, alinsunod sa mga probisyon ng Revised Penal Code.

Ibig sabihin, hindi na anila maaaring usigin ang kaso laban sa dalawa dahil 2019 pa ito isinampa habang nakabatay naman sa mga article na inilathala noon pang 2014.

Sa kabila nito, binigyang diin ng OSG na hindi ibig sabihin na protected speech ang cyberlibel kundi sumunod lamang sila sa desisyon ng Supreme Court na nagtakda ng limitasyon sa pagsasampa ng mga kasong may kaugnayan dito.

Kinasuhan ng cyberlibel si Ressa at dating researcher-writer na si Reynaldo at hinatulan ng Manila Regional Trial Court matapos iugnay sa mga iligal na aktibidad ang negosyanteng si Wilfredo Keng.

Ibinasura ng Court of Appeals ang apela nina Ressa dahilan para iakyat ito sa Kataas-taasang Hukuman.

Facebook Comments