Katawan ng babae natagpuang itinapon sa Agno River

Natagpuang palutang lutang ang katawang ng isang babae sa Agno River bank Sitio Libtong, Barangay Caramutan Villasis. Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, sabado ng umaga nang makita ito ng isang magsasaka na palutang lutang.

Sa panayam ng IFM Dagupan sa PNP Villasis, hindi umano nalunod ang biktima kundi ito ay patay na nang itapon dahil nakita ang sugat sa kaniyang ulo. Wala pang pagkakakilanlan ang babae na tinatayang nasa edad 20-25.

Sa ngayon wala pang kumukuha sa bangkay ng biktima at ipinagpapatuloy ng awtoridad ang imbestigasyon sa naturang insidente.


Facebook Comments