Init na init ka na ba dahil sa epekto ng El Niño? Huwag nang mag-alala, dahil tiyak maiibsan ang init na iyong nadarama sa pinakaunang Ice World sa Northern Luzon na matatagpuan sa bayan ng Bayambang.
JaPangasinan is real; dahil para ka na ring nagpunta at na experience ang snow sa Japan sa Ice World ng Blue Sky Theme Park sa Bayambang na opisyal na binuksan kahapo , November 27, 2026.
Pagpasok sa loob ng Ice World, bubungad sa’yo ang napakalamig na klima dahil sa mga totoong yelo na nakalagay dito.
Pwede kang mag skate, mag slide, at mag enjoy kasama ang inyong mga kaibigan at pamilya.
At para safe ka sa iyong Ice World experience, may mga safety gears na required isuot bago mag slide, may proper boots din para sa polar zone, at skate boots naman para sa nais mag ice skating – at huwah kang mag-alala kung first timer ka dahil may supporter naman na ibibigay sayo para maalalayan ka.
Tiyak na hindi lamang mga bata ang mag-e-enjoy dito kundi maging ang mga young at heart! Kaya naman kung white christmas ang hanap mo, subukan na ang Ice World sa Bayambang! | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










