DAR AT NIA CARP-IC, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA MGA PROYEKTONG PATUBIG SA PANGASINAN

Nagsagawa ng magkatuwang na site inspection ang Department of Agrarian Reform (DAR) at National Irrigation Administration (NIA) sa mga proyekto sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program–Irrigation Component (CARP-IC) sa lalawigan ng Pangasinan.

Layunin ng inspeksyon na personal na masuri at matukoy ang aktuwal na sitwasyon ng mga natukoy na proyekto, gayundin ang kanilang progreso at pagpapatupad upang matiyak na naihahatid nang maayos ang mga serbisyong patubig at irigasyon sa mga benepisyaryo.

Bahagi ito ng patuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng DAR at NIA upang mapahusay ang implementasyon ng mga proyektong pang-irigasyon at matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.

Patuloy namang isinusulong ng NIA ang mga programa at proyektong naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura, mapabuti ang serbisyong patubig, at masuportahan ang kabuhayan at kapakanan ng mga magsasaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments