Monday, November 23, 2026

MGA COLORUM NATRICYCLE, NAGIGING DAGDAG-PROBLEMA SA MGA LEHITIMONG NAMAMASADA; KABUHAYAN,APEKTADO

Ilang mga Tricycle driver dito sa Dagupan City ang dumadaing sa mga Colorum dahil naapektuhan umano ang kanilang kabuhayan.

Nagrereklamo ang ilang tricycle driver sa Dagupan City dahil sa umano’y pagdami ng mga colorum na namamasada sa lungsod, na sinasabing nakaaapekto sa kanilang kabuhayan.

Bukod sa mataas na presyo ng krudo at maalinsangang panahon na nararanasan dulot ng El Niño, dagdag-pasanin umano ng mga lehitimong tricycle driver ang mahabang oras ng paghihintay sa kanilang rotational system sa mga paradahan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Medil Lomibao, isang tricycle driver sa lungsod, isa sa mga pangunahing problemang kinakaharap nila ang mga colorum na bumibiyahe nang walang kaukulang prangkisa.

Aniya, dumaan pa sila sa proseso ng pagkuha ng permit at pagsunod sa rotational system sa kanilang istasyon, samantalang ang mga colorum ay malayang nakapamamasada at kumukuha ng pasahero.

Samantala, tiniyak naman ni Arvin B. Decano, POSO Chief ng Dagupan City, na nagpapatuloy ang monitoring at operasyon laban sa mga colorum sa lungsod, na nagresulta na rin umano sa pagkakahuli ng ilang lumalabag.

Sa huli, nananawagan ang mga awtoridad at lehitimong tricycle driver sa mga colorum na sumunod sa umiiral na batas at regulasyon upang matiyak ang patas na oportunidad sa paghahanapbuhay ng mga namamasada sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments