KLASE SA ILOCOS SUR, SUSPENDIDO NGAYONG ARAW

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Ilocos Sur ngayong araw, February 3, 2025, sa bisa ng pinirmahang Executive Order No. 07, Series of 2025 ng gobernador.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng lalawigan ng kanilang Ilocos Sur Festival 2025, alinsunod sa pagdaos ng 207th Foundation Anniversary ng probinsya.

Saklaw ng naturang suspension ang trabaho sa mga government offices. Hinikayat naman ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagkilala sa mayamang kultura at tradisyon ng probinsya maging ang pagtangkilik sa mga ipinagmamalaking produkto.

Samantala, patuloy pang umaarangkada ang iba’t-ibang mga aktibidad para sa naturang pagdiriwang ng Ilocos Sur na inaasahang magtatagal hanggang sa ikalawang linggo ng Pebrero. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments