Aabot sa halos limang daan o 477 ang isinampang kaso ng Land Transportation Office Region 1 sa mga fixers sa Ilocos Region.
Ayon kay LTO Region 1 Regional Director Danny Martinez, napag-alaman nila umano ito matapos na ang ilang lisensya ay napatunayang dumaan sa ilegal na transaksyon.
Dagdag pa ni Martinez na ito ay naiakyat na sa cybercrime court.
Inihayag din ni Martinez ang kahalagahan ng pagdaan sa tamang proseso upang hindi mapahamak at hindi lumabag sa itinakda ng batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments