KUMPISKADO | Mahigit P7 milyon halaga ng shabu at ecstasy, nasabat sa QC

Quezon City – Nasabat ng PDEA at QCPD- Station 10 ang higit sa pitong milyong pisong halaga ng shabu at ecstasy sa Barangay Obrero, Quezon City.

Sa nasabing operasyon, arestado ang mga target na sina Hazel Grace Antonio, Rafael Antonio at Warren Echano.

Agad inaresto ang mga suspek sa loob ng bahay matapos matanggap ang mark money kung saan nakumpiska ng nga otoridad ang 2,756 piraso ng tablet na ecstasy, mahigit aniim na litrong liquid ecstasy at 100 na gramo ng shabu.
Nabatid na karamihan sa mga parokyano ng mga suspek ay ang mga madalas magpunta sa mga party o disco bar.


Facebook Comments