Monday, September 21, 2026

Sitwasyon sa buong Metro Manila ngayong 54th anniversary ng deklarasyon ng Martial Law, “tahimik” – NCRPO

“Tahimik”, Iyan ang assessment, sa ngayon ni National Capital Region Police Ofice (NCRPO) Officer-in-Charge PBGen. Christopher Abrahano sa buong Metro Manila ngayong Lunes, Sept. 21 o ika-54th Anniversary ng deklarasyon ng Martial Law.

Inaasahan na umano na magkakaroon ng kilos-protesta ngayong araw, gayunpaman ay wala pa umanong natatanggap na impormasyon si Abrahano kung may inaprubahan ng permit to rally.

Wala rin umanong namo-monitor na threats o banta ang kapulisan pero handa umano sila sa lahat ng pagkakataon.

Sakaling magkaroon ng kilos-protesta sa mga lugar na hindi sakop ng freedom park ay ipatutupad umano ng kapulisan ang maximum tolerance, at kakausapin muna ang mga lider at organizer ng grupo para matulungan sila na lumipat sa lugar kung saan sila pwedeng magsagawa ng kilos-protesta nang walang permit, para hindi makaabala sa daloy ng trapiko at mga empleyadong papasok sa trabaho.

Samantala, sinuguro naman ni Abrahano na sisikapin nilang maging payapa ang mga pagtitipon ngayong taon, at hindi matulad noong nakaraang taon.

Nakiusap rin si Abrahano sa mga raliyesta, na gawin ang aktibidad sa mapayapang paraan.

Facebook Comments