Laborer sa Cagayan, Arestado sa Drug Buy-bust Operation

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation bandang 5:30 ng hapon kahapon sa Brgy. Centro 2, Aparri, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Kelvin Alonzo, 33-anyos, isang laborer at residente sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na positibong napagbentahan ng suspek ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P500 na buy-bust money.


Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments