LALAKAS ANG TURISMO | Pinakamalaking cruise ship na Costa Atlantica, nakadaong ngayon sa Subic Bay Freeport

Manila, Philippines – Nakadaong ngayon sa Alava Pier sa Subic Bay Freeport ang Costa Atlantica.

Ang Italian flagged cruise ship ang siyang itinuturing na pinakamalaking cruise ship na dumaong sa Subic.

Sabi ni SBMA Chairman at Administrator Wilma Eismaay, kayang magsakay ng Costa Atlantica ng 2,500 passenger guests at 900 crew members.


Ipinagmalaki rin ni Eisma na ang target nilang maging “Next cruise ship playground of Asia” ay nagsimula na nang dumating ang Costa Atlantica.

Umaasa naman si administrator Eisma na lalong lalakas ang turismo sa Subic at maging parte rin ito ng inter-island itinerary ng mga international cruise ships.

Facebook Comments