Lalaki, arestado matapos mahulihan ng iligal na droga

Manila, Philippines – Arestado ang isang 34 anyos na lalake matapos mahulihan ng iligal na droga sa Area B, Payatas, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Melchor Dolor alyas Maco.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya nagsasagawa sila ng oplan sita sa lugar nang dumaan ang suspek na sakay ng isang motorsiklo ngunit walang suot na helmet.


Agad na sinita si Maco at hiningan ng lisensya, ngunit nang walang maipakita, dito na siya kinapkapan ng mga pulis at nakuha sa kanyang bulsa ang ilang sachet ng hinihinalang ilegal na droga.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek.
DZXL558, Silvestre Labay

Facebook Comments