Isang engineer, hinoldap sa QC

Manila, Philippines – Tinutukan ng patalim ng isang hindi kilalang holdaper at sapilitang tinangay ang dalawang cellphone ng isang Technical Engineer sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Kurt Edberg Giron 23 anyos residente ng Makisig Street Brgy. Pinyahan QC.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Neil Ballesta ng Station 10 ng QCPD sakay ng pampasaherong Bus si Giron pagdating sa Intersection ng Edsa at Kamuning ay tinutukan ng patalim ng hindi kilalang suspek sa takot at bigla ng biktima ay agad ibinigay ang dalawang cellphone nito na nagkakahalaga ng humigit kumulang limampung libong piso pagkatapos ay mabilis na bumaba at tumakas ang hindi kilalang holdaper patungo sa direksyon ng Kamuning.


Inimbestigahan na ng pulisya ang naturang insidente.
DZXL558, Silvestre Labay

Facebook Comments