Lalaki arestado matapos silbihan ng search warrant

Nabas, Aklan – Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Nabas PNP at 2nd Aklan Provincial Mobile Force ang isang lalaki matapos na silbihan ng search warrant kahapon sa Brgy. Pawa, Nabas, Aklan.
Kinilala ang subject na si Ronil Empos Francisco, 33-anyos at residente ng nasabing lugar.
Naabutan ito sa kanyang bahay at sa paghaloghog dito ay nakuha sa isang balde sa kusina ang isang caliber 38 revolver at tatlong bala.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na nga Nabas PNP ang suspsek ag mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments