LALAKI KULONG MATAPOS MAHULIHAN NG BARIL SA CHECKPOINT NG HIGHWAY PATROL GROUP

Kalibo, Aklan-Kulong ang 53 anyos na lalaki matapos mahulihan ng baril sa isinagawang checkpoint ng Higway Patrol Group-Aklan at Kalibo PNP. Kinilala ang suspek kay Rod Sarabia, 53 anyos at residente ng N. Roldan St., Poblacion, Kalibo. Sa panayam ng RMN DYKR Kalibo kay PCapt. Nathaniel Florendo hepe ng HPG -Aklan na habang nagsasagawa sila ng checkpoit sa Roxas Avenue kaninang alas 9:30 ng umaga nang dumaan itong suspek sakay ng kulay orange na Yamaha Mio at may angkas na isang lalaki. Ayon sa kanya na may initial violation agad ang suspek dahil walang plaka umano ang kanyang motorsiklo dahilan na pinara ito ng mga otoridad. Dagdag pa ni PCapt. Florendo na sinubukang idivert pa umano ng suspek ang attention ng mga otoridad sa ibang mga motorista ngunit hindi ito nagtagumpay. Habang hinahanapan ng dokumento ang motorsiklo ng suspek ay napansin ng mga otoridad ang . 45 caliber na baril at loaded ng magazine at may isa pa na nakalagay sa Ubox ng nasabing motor. Dahil walang naipakitang kaukulang papeles para sa baril ang suspek ay agad itong inaresto ng mga kapulisan. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng HPG-Aklan at Kalibo PNP kay Sarabia habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms Law.

Facebook Comments