Kalibo, Aklan-Tinanggap ng Provincial Inter-Agency Task Force for Covid-19 ang paghingi ng tawad ng isang lalaki matapos magpakalat ng fake news hinggil sa Corona Virus Disease 2019.
Matapos itong ipatawag ng IATF kanina at pinaliwanag si John Vic A.K.A John Ink sa kanyang post sa social media.
Ayon sa kanya, ginaya lamang niya ang post ng iba na may bagong kaso ng Covid-19 sa probinsiya na isang seafearer.
Nagviral ang post nito at umani ng sari-saring komento pati na ang mga seaman.
Depensa ni John gusto lang niya na maging aware ang mga tao.
Dagdag pa, nagpost din ito na may ipapatupad umano na lockdown, dito na nakatanggap ng mga mensahe at pangbabash ang lalaki.
Kaya malaki ang kanyang pasasalamat na tinanggap ang kanyang paghingi ng tawad ng IATF at sana ay maging aral na raw ito sa iba pang nagpapakalat ng walang basehan na impormasyon.
Naghingi rin ng tawad sa publiko ang lalaki gayundin sa mga seafearer na mga nadamay sa kanyang facebook post.
Matandaan na alinsunod sa “Bayanihan To Heal As One Act” ay kung mapapatunayan ang isang tao na nagpapakalat ng fake news ay maaring makulong sa loob ng dalawang buwan at pagmumultahin ng hindi bababa sa 10, 000 hanggang 1 milyon pesos o parehong kaparusahan depende sa desisyon ng korte.
LALAKI NA NAGPAKALAT NG FAKE NEWS, NAGPUBLIC APOLOGY
Facebook Comments