Tinanggal ang mga naipong water lilies sa ilang estero at kanal sa Barangay Poblacion, Mangaldan sa isinagawang declogging operation bilang paghahanda sa tag-ulan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, naging pangunahing sagabal sa daloy ng tubig ang makakapal na water lilies na posibleng magdulot ng pagbabara at pagbaha kapag lumakas ang ulan.
Katuwang ang mga kawani at volunteer, manu-manong inalis ang mga ito upang mapanatili ang maayos na agos ng tubig sa mga daluyan.
Nagpaalala naman ang barangay councol sa mga residente na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan upang maiwasan ang muling pagbara ng mga estero. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










