LALAKING SANGKOT SA PAGNANAKAW, ARESTADO

Cauayan City – Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng isang lalaking sangkot sa pagnanakaw sa pamamagitan ng pamemeke ng mga dokumento.

Sa ikinasang Manhunt Operation ng pinagsanib na puwersa ng Traffic Enforcement Unit, Santiago City Police Station 4, at Echague Police Station, nadakip ang akusado na kinilala sa pangalang “Bill”, sa Brgy. Ipil, Echague, Isabela.

Si alyas “Bill” ay itinuturing bilang most wanted person dahil sa 51 bilang ng kasong Qualified Theft through falsification of private documents na kinahaharap nito.


Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte kung saan umabot sa P1,930,000.00 ang halaga ng piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya ng Police Station 4, Santiago City Police Office para sa dokumentasyon bago ito iharap sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments