
Cauayan City – Ihahandog ng Calimac Training Center, Inc. (CTCI) ang libreng pagsasanay at assessment para sa Driving NC III katuwang ang TESDA sa lungsod ng Cauayan.
Layunin nitong ihanda ang mga kwalipikadong indibidwal bilang certified professional driver saklaw ang 122 oras ng pagsasanay.
May kasama itong ₱160 na arawang allowance para sa mga kalahok at magkakaroon ng TESDA National Certification (NC III) pagkatapos ng training.
Kabilang sa pagsasanay ang road safety, defensive driving techniques, vehicle maintenance, troubleshooting, passenger handling, at professional ethics.
Bukas ito para sa mga hindi kasalukuyang nag-aaral, nagtatrabaho, o sumasailalim sa ibang training.
Kailangan lamang magdala ng PSA Birth Certificate, TOR o High School Card/Diploma, at apat na pirasong passport-size ID photos.