LALAKING SINAMPAHAN NG PAGLABAG SA VAWC LAW, ARESTADO SA DAGUPAN CITY

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Barangay Poblacion Oeste, Dagupan City.

Sa bisa ng warrant na inihain sa akusado, nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na inisyu ng korte nito lamang Lunes, December 1.

Naging basehan ng kaso ang nagawa nitong Less Serious Physical Injuries na may inirekomendang piyansa na P36,000.

Sumailalim muna sa pagsusuri ang akusado bago ipaubaya sa kustodiya ng Dagupan City Police Office para sa tamang disposisyon.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ang publiko na isangguni sa awtoridad ang anumang krimen o kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments