Apat na pamilya ang kinumusta ng Lingap Dagupena Team sa Barangay Poblacion Oeste at Barangay IV, Dagupan City noong Nobyembre 25, sa pamamagitan ng home visitation at community dialogue.
Sinuri ang kalagayan at pangangailangan ng mga pamilya, kabilang ang mga problemang kinakaharap nila sa araw-araw, sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mismong mga residente.
Batay sa ulat ng pamahalaang lungsod, kabilang sa mga binisita ang dalawang pamilya na mga ama ang nagsisilbing tagapag-alaga sa kanilang mga anak habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang kanilang mga asawa.
Nakibahagi sa assessment ang mga kinatawan ng mga barangay, barangay VAW Desk, at iba pang barangay personnel.
Bukod sa visitation, nagbigay ng information materials at emergency hotline numbers ang grupo para sa paghingi ng agarang tulong, partikular laban sa karahasan, pang-aabuso at pagsasamantala sa kababaihan at mga bata. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











