
Cauayan City – Nasakote ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa batas sa Brgy. Busilac, Alfonso Lista, Ifugao, kahapon, ika-pito ng Marso.
Sa bisa ng warrant of arrest, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Ric”, na itinuturing bilang Top 9 Most Wanted Person sa buong lambak ng Cagayan.
Nahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness na may piyansang P200,000, at 4 na bilang ng kasong panggagahasa na walang inirekomendang piyansa.
Kasabay ng pagkakadakip, ipinaalam rin kay Ric ang kanyang karapatan bilang akusado, at kalaunan ay dinala sa himpilan ng San Mateo Police Station para sa dokumentasyon bago ito ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.
Facebook Comments