Las Piñas City LGU, nagbabala sa publiko hinggil sa mga indibidwal na nagpapakilalang tauhan ng kanilang tanggapan

Courtesy: Carlo Carrasco

Muling binalaan ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang publiko sa mga nagpapakilala na mga tauhan na ginagamit pa ang kanilang tanggapan.

Ang babala ng Las Piñas Local Government Unit (LGU) ay inilabas matapos makatanggap ang Public Employment Service Office (PESO) ng kopya ng pekeng “payment acknowledgement” receipt gamit pa ang kanilang official seal.

Ang mga nasabing indibidwal na naloko ay pinangakuan na mapupunta ng ibang bansa bilang mga social worker sa ilalim ng pamamahala ng Las Piñas LGU.


Napag-alaman na ang mga nagre-recruit ay pawang mga nagpakilala na mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kung saan naghahanap sila ng mga social worker na ide-deploy sa ibang bansa.

Facebook Comments