
CAUAYAN CITY- Nasakote ng mga otoridad ang isang LGU Employee matapos ang ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Purok 6 Brgy. San Andres, Santiago City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Bobby”, 56-anyos, at residente ng Brgy. Victory Norte sa nabanggit na lungsod.
Naaresto ang suspek matapos magbenta ng isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.9 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php19,720, habang narekober rin sa kanyang pag-iingat ang isang pirasong papel na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na 0.2 gramo at nagkakahalaga ng P1,360.
Dinala ang suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 1 para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Samantala, mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.