COMELEC, NAGPAALALA KAUGNAY SA PAGSISIMULA NG CAMPAIGN PERIOD

Cauayan City – Nagpaalala ang COMELEC Cauayan City hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa Campaign Period.

Sa panayam ng IFM News Team kay City Election Officer Atty. Johanna Vallejo, ilang araw nalang ay magsisimula na ang Campaign Period ng mga Senatorial Candidates para sa May 2025 elections.

Dahil dito, pinaghahandaan ng COMELEC ang pagsasagawa ng Oplan Baklas na naglalayong tanggalin ang mga campaign materials na hindi pasok sa pamantayan ng COMELEC, at ang mga nakapaskil sa mga ipinagbabawal na lugar.


Paalala ni Atty. Vallejo, dapat na sundin ng mga kandidato ang panuntunan sa paggamit ng campaign materials katulad na lamang ng pagsunod sa standard sizes, at pag-iwas ng pagkakabit sa mga ipinagbabawal na lugar.

Ayon pa kay Atty. Vallejo, ang mga kandidatong hindi susunod sa patakaran ng COMELEC ngayong Campaign Period ay posibleng makatanggap ng take down order na nag-uutos na kanilang tanggalin ang mga campaign materials na wala sa tamang lugar, at wala sa tamang sukat.

Facebook Comments