ROLLING VENDORS SA CAUAYAN CITY, NAGBEBENTA NG MAS MURANG SIBUYAS

CAUAYAN CITY- Pumalo sa P70 kada kilo ang presyo ng sibuyas na ibinebenta ng mga rolling vendors sa Lungsod ng Cauayan, mas mababa kumpara sa P120 kada kilo sa mga pamilihan.

Sa panayam ng IFM News Team, sinabi ni Ariel Tamma, isang naglalako ng sibuyas, ang kanilang paninda ay inangkat mula sa Ilocos sa halagang P50 kada kilo.

Dahil dito, naibebenta nila ito sa mas mababang presyo kaysa sa palengke.


Bagama’t may ilang tindero sa palengke ang nagrereklamo dahil naapektuhan ang kanilang kita, iginiit ni Ginoong Tamma na nais lamang nilang makatulong sa mga mamimili, lalo na sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Dagdag pa niya, malakas ang bentahan ng sibuyas sa lungsod, kung saan umaabot sa 70 kilo ang kanilang naibebenta araw-araw.

Facebook Comments