LGU MALAY PINATAAS ANG PAGHIHIGPIT UKOL SA OIL SPILL

Malay, Aklan – Kahit na walang indikasyon na aabot sa isla ng Boracay ang oil spill dahil sa lumubog na oil tanker sa Tablas Strait, Balingawan Point, Naujan Oriental Mindoro, hindi nagbababa ng depensa ang bayan ng Malay. Ayon kay Malay Mayor Frolibar S. Bautista, hindi umano sila nababahala ukol sa banta ng oil spill dahil sa direksyon ng hangin pero sa kabila nito ayon sa kanya patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga coastal areas kasama ang mga Barangay Disaster Risks Reduction Management Councils gayon din ang Philippine Coastguard. Sa ngayon aniya naka pre-position na ang oil spill booms bilang primary defense, naglagay din sila ng mga indigenous materials bilang secondary defense . Kahit umano mababa ang probabilidad na aabot sa Boracay ang oil spill marami pa aniya silang ginagawang pamamaraan para hindi maapektuhan nito ang isla.
Facebook Comments