LGU REINA MERCEDES, MAGSASAGAWA NG BLOOD LETTING ACTIVITY

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng blood letting activity ang Lokal na Pamahalaan ng Reina Mercedes sa pamamagitan ng Rural Health Unit sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Ang naturang aktibidad ay may temang “isang patak, buhay ay kaakibat” kung saan katuwang nila rito ang Cagayan Valley Medical Center.

Gaganapin ang nasabing blood letting activity sa ika-10 ng Marso mula alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Kaugnay nito, hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ang lahat ng mamamayan na makiisa sa aktibidad upang matulungan ang mga residenteng nangangailangan ng dugo sa bayan.

Facebook Comments