
Cauayan City– Tapos na at nagagamit na ng mga motorista at residente ang bagong San Jose Bridge sa Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela.
Ang bagong tulay na may habang 27 metro ay itinayo upang palitan ang lumang istruktura na hindi na ligtas gamitin.
Kasama rin sa proyekto ang 103.3 metrong daanan, na sumailalim sa paglilinis, paghuhukay, paghahanda ng subgrade, at paglalagay ng reinforced concrete deck slab para sa matibay at pangmatagalang pundasyon.
Ang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA) na may halagang ₱39.18 milyon.
Facebook Comments