
Epektibo na simula ngayong araw ang libreng toll para sa mga sasakyan na manggagaling sa Pulilan, Bulacan hanggang San Fernando, Pampanga at vice versa.
Ito’y bilang tugon ng pamahalaan sa matinding traffic na nararanasan sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa pagbaha sa Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga.
Personal at agaran umanong nakipag-ugnayan si Transportation Secretary Banoy Lopez kay NLEX Corporation President Luis Reñon, upang ilibre ang toll fee mula Pulilan-San Fernando at San Fernando-Pulilan para sa lahat ng sasakyan.
Facebook Comments










