
Kumpyansa si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na may kakayahan ang Senado na pagsabayin ang pagtupad sa kanilang Constitutional duty bilang Impeachment Court at ang kanilang tungkulin bilang mga mambabatas.
Sinabi ito ni Dy sa harap ng pagbubukas muli ng session ng Kongreso sa Lunes, July 27, kasabay ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tiniyak ni Dy na handa ang House of Representatives na makipagtulungan sa Senado, sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Sherwin Gatchalian, para pagtibayin at pagandahin ang mga natitirang panukalang batas.
Ayon kay Dy, ito ay para masigurado na ang maipapasa nilang batas ay napapanahon, magpapagaan ng buhay at tutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan at magpapaunlad din sa ating bansa.










