Wednesday, July 22, 2026

Desisyon ng Impeachment Court ukol sa financial records ni VP Duterte, hindi mababaligtad ng pagkontra ng isang senator-judge

Hindi mababaligtad ang pasya ng Senate Impeachment Court na ipa-subpoena ang tax at bank records ni Vice President Sara Duterte at ng mister na si Atty. Manases Carpio kahit maghain ng pagkontra rito si Senator-judge Alan Peter Cayetano.

Sinabi ito nina House Prosecutor Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno at House Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. sa harap ng pahayag ni Cayetano na maghahain siya ng pagkontra sa nabanggit na pasya ng Senate Impeachment Court.

Ayon kay Diokno, sa ilalim ng Rules ng Senado para sa impeachment ay palaging may karapatan na mag-file ang isang senator-judge kung hindi siya sumasang-ayon sa naging pagpapasya ng Senate Impeachment Court.

Pero diin ni Tolosa, hindi na nito mababago ang ruling ng Senate Impeachment Court.

Ang financial at tax records ni Vice President Sara at ng mister nito ay inaasahang magpapalakas sa alegasyong may hindi maipaliwanag na yaman ang bise presidente na hindi nito idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Facebook Comments