Friday, July 24, 2026

Mahigit 4,000 PNP personnel, pinatawan ng parusa kasunod ng nagpapatuloy na internal cleasing

Pinatawan ng Philippine National Police (PNP) ang administratibong parusa ang 4,534 na mga personnel matapos na maresolba ang nasa 3,903 ng administratibong kaso mula August 26, 2025 hanggang July 15, 2026.

Sa datos ng PNP, 1,307 ang na-dismiss sa serbisyo, 2,108 ang nasuspende, 237 ang na-demote, at 96 ang tinanggalan ng sahod.

Bukod dito, 642 ang nakatanggap ng reprimand, 46 ang isinailalim sa restriction, at 98 ang tinanggalan ng mga prebilihiyo,

Ayon sa PNP, ang nasabing bilang ay nagpapakita lamang ng patuloy na isinasagawang internal cleansing sa hanay ng nasabing organisasyon.

Facebook Comments