LIGTAS NA PAGMAMANEHO SA GABI, IPINAPAALALA MULI SA MGA MOTORISTA SA DAGUPAN CITY

Muling nagpaalala ang mga awtoridad sa mga motorista sa Dagupan City na mag-ingat sa pagmamaneho, lalo na sa mga kalsada at national highways tuwing gabi.

Ayon kay PLT Daves Anastacio, Deputy Station Commander ng Dagupan City Police Substation 1, mahalagang sundin ng mga motorista ang mga batas trapiko upang maiwasan ang aksidente.

Dagdag pa niya, dapat ding isaalang-alang ng mga motorista kung kakayanin ang pagbibiyahe sa dis-oras ng gabi, at iwasan ang pagmamaneho kung nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Samantala, nagpapatuloy ang pagsasagawa ng checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang matiyak na sumusunod ang mga motorista sa mga patakaran. Tinitiyak din na ang mga motorcycle at tricycle riders ay nakasuot ng tamang gear at kasuotan upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa anumang uri ng aksidente habang nasa biyahe. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments