PAMBANSANG PABAHAY PARA SA MGA PILIPINO, INILUNSAD SA BURGOS

Sisimulan na ang pagpapatayo ng housing project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program sa Brgy. Don Matias, Burgos, Pangasinan matapos ang groundbreaking ceremony noong Abril 23, 2026.

Bubuksan ang abot-kayang housing units para sa mga kwalipikadong benepisyaryo na tinukoy base sa itinakdang pamantayan tulad ng taunang kita at pagiging miyembro ng Pag-IBIG.

Sa ilalim nito, may financing options tulad ng mababang hulog sa pamamagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Pag-IBIG Fund.

Karaniwang prayoridad dito ang mga low at middle-income earners, informal settlers at mga pamilyang walang sariling bahay sa bayan.

Positibo ang lokal na pamahalaan sa karagdagang oportunidad na maiaambag nito upang mapagaan ang buhay ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments